Maraming kabataan sa Pilipinas ang hindi na nakapagpapatuloy pa sa kolehiyo at isa sa mga dahilan nito ay kahirapan. Maraming out-of-school youth ang nais magpatuloy sa pag-aaral ngunit hindi alam kung saan kukuha ng pang matrikula. Kung ikaw ay isang out-of-school youth, ang ating gobyerno ay may programang inilaan para sa mga kabataang nais ipagpatuloy ang naunsiyaming pag-aaral. Ang Alternative Learning System ay isang non-formal education na naglalayog na makatulong sa mga nais pang muling mag-aral. Ito ay "LIBRE" at maaaring makatanggap ng diploma na katumbas ng diploma ng isang nagtapos sa elementarya at highschool. Bukod dito ay ang karapatang makapag patuloy sa kolehiyo. Isa din akong produkto ng ALS at sa kasalukuyang nag-aaral sa isang pribadong kolehiyo sa Quezon City sa kursong BS inMaramin Administrion. Paano mag-enroll sa ALS?
1.) Pumunta sa pinakamalapit na ALS center. Mas mainam kung mag-inquire sa inyong Barangay Hall o sa mga malalapit na eskwelahan. Maraming elementary school at highschool ang nag-aalok nito. Upang makasiguro ay pumunta at magtanong sa inyong DepEd Division Office na matatagpuan sa inyong Distrito at mag-enroll sa ituturo sainyong pinakamalapit na school sa lugar mo.
2.Magtake ng exam na ibibigay sainyo ng nakatalagang ALS teacher at sagutan ito. Huwag mag-alala dahil napakadali lamang ng exam na ito, kadalasan sa mga tanong ay comprehensive reading and writing.
3. Kung ikaw ay 16 years old and above, maaari kang mag-enroll sa secondary level. Katumbas ito ng highscool at pag naipasa mo ang BALS A&E Exam ( Bureau of Alternative Learning System Equivalency & Accreditation Exam) ay maaari kang magpatuloy sa senior high. Ang mga mag-aaral mula sa taong 2016-17 ay hindi na maaaring dumiretso sa kolehiyo dahil sa bagong programa ngayong ng DepEd na K212 kung saan kinakailangang tapusin ang senior high bago mag enter sa college. Hindi tulad nuong 2015 at bago ng mga taong iyon, ay maaari kang dumiretso sa kolehiyo. Kung ikaw ay nakapasa, ang ating Pamahalaan ay nagbibigay ng voucher para sa mga gustong magpatuloy sa Senior High. Karamihan sa mga kolehiyo ngayon ay nag-aalok nito ng libre tulad kung saan ako nag-aaral ngayon.
Kung ikaw ay 15 years old pababa, maaari ka lamang mag-enroll sa elementary level at pagkatapos ay magpatuloy sa junior highschool kung maipapasa mo ang exam sa BALS A&E Exam.
4. Isang taon ang gugugulin upang matapos ito, kadalasang itinuturo dito ay paggawa ng mga sanaysay (essay) at mga basic na aralin. Madali lamang ang pag-aaral dito at napaka basic ng mga itinuturo. Mayroong mga modules na babasahin at sasagutan. Ang mga modules na ginagamit dito ay maaaring idownload sa google play store. Itype lang ang ALS Aral Muna sa play store at idownload. Maaari mo itong pag-aralan kahit sa bahay, pero ipinapayo 'kong mas tutukan ninyo ang paggawa ng sanaysay. Tuturuan kayo ng inyong Als teacher kung paano ang tamang pagsulat nito ngunit huwag ding ipagwalang bahala ang mga aralin sa inyong modules.
5. Ang mga kakailanganing requirements ay ang mga sumusunod:
-Birth certificate from NSO
-LRN number kung mayroon
-Barangay Clearance
-Kung minsan ay hinihingi din ang form138 at form137
Pwede ding gawing supporting documents:
-NBI
-Police Clearance
Kadalasan, ang BALS A&E Exam ay natataon mula buwan ng November hanggang May dipende sa DepEd. Mas maganda kung bago ang exam ay kompletuhin na ang mga dokumento.
Kung may mga katanungan ay mag comment lamang sa comment box at agad ko itong sasagutin sa abot ng aking makakaya.
*kailan po? Pwedeng mag enroll
TumugonBurahin*anong oras po ako pasok? At uwian
*mayroo pobang? Libreng tuition fee?
Salamat po.
Kilan po pwde mag enroll
BurahinTanong ko lng po pwede napoba ung babtismal certificate
TumugonBurahinnais ko pong maginquire kung paano po ang processo sa taong nakatuntong lamang ng grade 3 at di na nakapagpatuloy... 27 years old na po sya ngayon
TumugonBurahinIlang taon PO ang page aaral sea AlS?
TumugonBurahin37 years old n po apo pwd po b ako mag als nkatapos lng po ako ng 2nd year high school
TumugonBurahinIlang taon po ako bago makatapos ng als
TumugonBurahin